My mudra just had total hysterectomy sa San Juan de Dios Hospital last Oct. 28, just eight days after my birthday. Na-admit sya on the 27th (Friday), so from work, derecho na ako sa hospital to stay with her for the night. Ok naman ang hysterectomy nya. Nung pinakita sakin yung tinanggal sa kanya, wow. Astig. Ang laki! Hahahahaha! Parang ulo ng sanggol! By the way, what ever happens to a body part when it is taken away from you surgically? Does it get buried? Incinerated? Errr, cooked? Yum. Hehehehe!
[Update: ok na po ang nanay ko, naglalakad na, nagu-uutos na rin. Dalawang buwan pa syang ganyan... para syang nag-maternity leave! Ayus!]Bukod sa operasyon, marami pang ibang naganap sa Suite 208. Kapana-panabik... Kahindik-hindik. Kakatakot... hindi nakakapaniwala... Ano pa ba naman ang pwede pang ibang maganap sa hospital aside from hospital procedures! Ano pa eh di Ghost Hauntings!
For the record, naniniwala ako sa mga multo. Alam kong bukod sa tao, hayop at halaman, may iba pang entities na kasama nating nagcoco-exist sa mundo. Katulad ng lagi kong sinasabi sa mga friends ko, ina-acknowledge ko naman ang presence ng mga multo kaya kung pwede wag na silang magparamdam, at utang na loob, lalo naman silang wag magpakita!
Pero ayaw makinig sakin ng mga ghost... nagpapramdam pa rin sila!!!
Eh pano ba naman, did you know that San Juan de Dios Hospital is the oldest hospital in the Philippines?! It's true! Kaya naman counting all those years of the hospital's existence, kahit pa it was destroyed and rebuilt quite a number of times, hindi pwedeng ma-deny na malamang sa malamang meron naman kahit isang namatay dun whose soul refuses to cross over, and decides to linger for a while. And since spirits, I have heard, have no concept of time, maybe the lingering soul doesn't realize it's been around for more - a lot more - than just a while.
Abangan ang aking kwento!